When Magic Hurts (2024)
Directed by: Gabby Ramos
Isang love story na hindi nakaka-inlove.
The scenes are dry and monotonous. Pares parehas ang atake sa lahat. Kulang sa pagmamahal, gigil, saya, lungkot. Kinukulang sila sa lahat ng emosyon. Parang ginawa lang ang mga eksena dahil nakasulat lang siya sa script.
Walang dating ang istorya. Pampalipas oras lang. Hindi makatotohanan ang mga desisyon na ginagawa ng mga karakter. Hindi ramdam ang bigat ng mga ipinaglalaban nila. Ambabaw nilang mag-isip. Walang epekto ang mga pinagsasabi nila.
Walang build up para sa love team. Konting usap-usap lang tapos yun na pala yun. Maayos ang naging pagganap ni Mutya Orquia. Masyadong pormal umarte si Beaver Magtalas, at naging balakid ito sa pagbahagi ng kanyang mga emosyon.
Thank you so much for Claudine Barretto’s presence, but it did nothing for the movie.
Hindi malinis ang editing. Biglang lumalaki ang eksena. Humihina ang boses nila nang wala sa oras.
Ang maganda lang dito ay ang mga bulaklak, bundok, at ulap sa Atok Benguet. Maganda rin sana yung OST nilang “Got to Believe in Magic” na inawit ni Cedric Escobar, pero sinayang lang nila ang kanta. Mas lalong hindi ka maniniwala sa magic ng pagmamahal dahil sa palabas na’to.
This movie is giving nothing.
Walang magic na dulot ang pelikula.
Masakit lang siya sa bulsa.
WHEN MAGIC HURTS
Rating: 0/5
Cast: Mutya Orquia, Beaver Magtalas, Maxine Trinidad, Dennis Padilla, Soliman Cruz, Angelica Jones, Archi Adamos, Aileen Papin, Julian Ramos, Dennah Bautista, Aryanna Barretto, Claudine Barretto
Story & Screenplay: Angel Guenavere
Co-writer: Jerome Baguio
Presented by: Rems Entertainment Production, IGMM Film Production, Axinite Digicinema Inc.
Release Date: May 22, 2024 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: -1
Emotions: 0
Screenplay: 0
Technical: 1
Message: 0
AVERAGE SCORE
When Magic Hurts: 0
Comments