top of page

WHISPERS IN THE WIND

Whispers In The Wind (2024)

Directed by: RC Delos Reyes


Unang eksena pa lang, alam mo na agad ang magiging twist ng kwento. Napaka-obvious. Kung kaya’t sa loob ng isang oras at mahigit, wala ka nang ibang gagawin kundi hintayin na lang ang magiging ending nito.


Nakakabagot ang paghihintay dahil sobrang tamlay ng mga eksena. Nasa Japan sila, pero nag-mukhang chroma ang ilang background. Ang peke ng hitsura.


Pang-thriller ang background music, pero walang sense of mystery ang mga nangyayari. Tungkol sa moving on ang istorya, pero mas hindi ka makaka-move-on dahil ang lamya ng mga linya.


Hindi lubusang nagamit ang telepono para sa magandang komunikasyon. Hindi nagkakaroon ng koneksyon at samahan ang mga karakter kahit parati silang magkakasama.


Hindi nakakadala ang aktingan nina Carlo Aquino at Barbie Imperial. Si Kakai Bautista na lang ang bumubuhay sa pelikulang ito.


Sana sa Netflix na lang ito pinalabas dahil ang sarap i-fast-forward. Grabehan sa pagkaboring. Parang binubulungan ka na matulog sa sinehan.


This movie is literally whispers in the wind.

Dumaan lang na parang hangin.

Hindi mo maramdaman.

Hindi nag-iwan ng kahit anong marka.


𝗪𝗛𝗜𝗦𝗣𝗘𝗥𝗦 𝗜𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗪𝗜𝗡𝗗

Rating: 0/5


Cast: Barbie Imperial, Carlo Aquino, Kakai Bautista, Gian Magdangal

Story by: Erwin Blanco

Screenplay: Arah Jell Badayos

Presented by: MAVX Productions, Inc.

Release Date: August 21, 2024 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  -1

Emotions:  -1

Screenplay:  -1

Technical:  1

Message:  0.5

AVERAGE SCORE:  -0.3

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page