Working Boys 2: Choose Your Papa (2023) Directed by: Paolo O’Hara
Limang lalaking nagtratrabaho para sa kani-kanilang pamilya.
Kahit anong kayod nila para magpatawa, hindi pa rin lumalabas ang ganda ng pelikula.
Walang daloy ang kwento. Hindi ka makakahinga sa dami ng nangyayari. Patalon-talon ang mga eksena. Ang pamagat at ang paksang “Choose Your Papa” ay isiningit lang saglit sa istorya.
Mas malakas ang scoring kaysa sa boses ng mga nagsasalita. Kaya ang mga punchlines na karamihan ay walang dating ay mas lalong nagiging mahina.
Madalas sa minsan, nagagawan ng paraan ng mga artista na maging nakakatawa ang eksena dahil sa mismong kilos nila o sa paraan ng kanilang pananalita.
Etong limang artista ang pinaka-nagbigay-aliw kahit papaano sa pelikula:
1. Bayani Agbayani 2. Marissa Sanchez 3. Angela Morena 4. Divine Aucina 5. Yung Lola HR na nagpa-lie-detector test
Ngunit hindi naman silang lima ang bida.
The five leads of 𝘞𝘰𝘳𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘉𝘰𝘺𝘴 2 have the chemistry and charm to star in a comedy film. But their potential was not maximized nor utilized here.
Lahat ng mga karakter dito ay ipapasok lang sa eksena kapag kailangan na nilang magpatawa. Laging patawa muna bago istorya. Hindi nila kayang pagsabayin ang dalawa.
𝘞𝘰𝘳𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘉𝘰𝘺𝘴 2 needs to work twice as hard to be considered as a feel-good movie at the very least.
WORKING BOYS 2
Rating: 0/5 Cast: Wilbert Ross, Nikko Natividad, Andrew Muhlach, Mikoy Morales, Vitto Marquez, Debbie Garcia, Angelic Guzman, Lea Jane Lumabi, Divine Aucina, Angela Morena, Marissa Sanchez, Bayani Agbayani Presented by: Viva Films Date Released: March 29, 2023 in Philippine Cinemas nationwide A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments