top of page


CINEMALAYA 2026 SHORTS
RANKING FOR CINEMALAYA 2026 SHORTS: 1️⃣ Elenita, Elena, Elaine (Written by Gabriela & Mariana Serrano; Directed by Gabriela Serrano)Nakaka-praning dahil pati ikaw mismo na nanonood lang ay para bang may kasalanan sa nangyayari sa kanila. Bumubulong sila, tapos bigla kang sisigawan. Magigising ka mula sa panaginip. Dreams falling apart, while sounds and visuals align. Nakaka-rindi pakinggan. Masikip. Hindi ka makawala. Ngunit sa kabila nito, gusto mo pa rin silang samahan. Nak
Aug 14


CINEMALAYA 2026
RANKING FOR CINEMALAYA 2026 MOVIES 1️⃣ Kaka sa Yawan (Alpha Habon) 2️⃣ Tayo Lang Ang Nakakaalam (David Corpuz) 3️⃣ Mag-iina (Giancarlo Abrahan) 4️⃣ Hand of God (Mark Duane Angos) 5️⃣ Status: Rejected (Vahn Leinard Pascual) 6️⃣ 2 Valid IDs (Ma-an Asuncion-Dagñalan) 7️⃣ Animal (Dustin Celestino) 8️⃣ Ganggang (JL Burgos) 9️⃣ Tirik (May-i Guia Padilla) BEST PICTURE: Kaka sa Yawan BEST DIRECTOR: Giancarlo Abrahan BEST SCREENPLAY: Alpha Habon BEST ACTRESS: Ruby Ruiz BEST SUPPOR
Aug 11


STATUS: REJECTED
Status: Rejected (Cinemalaya 2026) Directed by: Vahn Leinard Pascual Maraming status tayong pwedeng pagdaanan sa buhay. Pwedeng single, married, in a relationship, it’s complicated. Ngunit ang isa sa pinaka-mahirap sigurong status na makuha ay ang rejection. Yung akala mo ay abot kamay mo na, ngunit hindi mo pala maaaring makuha. Mapapatanong ka kung bakit. Imbes na sagutin nang derechahan, ipapakita ng pelikulang ito ang mga dahilan. You get to see a glimpse of their life,
Aug 10


2 VALID IDs
2 Valid IDs (Cinemalaya 2026) Directed by: Ma-an Asuncion-Dagñalan Nakakainip. Ang tagal. Pabalik-balik. Marahil ganyan ang komento habang pinapanood ang pelikulang ito. Totoo naman talaga. Nakakapagod makita ang isang 59-year-old na maglakad ng mga IDs. Ngunit ang mas masaklap pa diyan ay para bang sanay ka na sa mga aberyang nangyayari. Dahil paulit-ulit na lang, nakakamanhid na sa pakiramdam. Nung una, maninibago ka pa pagpasok sa hospital. Andaming pasyente na may k
Aug 9


KAKA SA YAWAN
Kaka sa Yawan / Brothers by the River (Cinemalaya 2026) Written & Directed by: Alpha Habon Minsan sa buhay, hindi mo malalaman kung ano ba talaga ang kulang hangga’t hindi mo pa ito tuluyang nararanasan. Tulad ng pelikulang ito, saka mo lang lubos na mauunawaan ang ganda kapag umabot ka na sa dulo. Hindi mo aakalaing may marka pala itong maiiwan. Napaka-cute panoorin ng mga bata sa kung ano man ang kanilang ginagawa. Ang mga linyahan nila ay makulit ngunit makabuluhan.
Aug 9


MAG-IINA
Mag-iina / The Mothering (Cinemalaya 2026) Directed by: Giancarlo Abrahan Usually, when a film is overwhelmingly creative and extremely experimental, its artistry tends to overshadow its message. But this time around, the message takes center stage, and the artistry becomes the vehicle that drives it forward. It’s entertaining at first. You hear the Alta people casually speaking in English. Everyone is visually attractive. The shots are stylish, with views from higher floor
Aug 9


ANIMAL
A . NI . MÁL (Cinemalaya 2026) Written & Directed by Dustin Celestino Malakas ang simula. Nakakapagod sa gitna. Nakakapanlumo sa dulo. Kapag nakita mo ang mga unang eksena, hindi mo alam kung ano ba ang bubungad sa’yo. Ang kamera ay may sinusundan na nilalang. Parang horror dahil sa tunog. Parang documentary dahil sa anggulo ng kamera. Akala mo wala masyadong mangyayari, ngunit itong sandali pala na ito ang siyang huhubog sa buong pelikula. Ang nilalang pala na ito ang siya
Aug 9


GANGGANG
Ganggang (Cinemalaya 2026) Written & Directed by: JL Burgos Hindi natural ang batuhan ng mga linya. Pang-theatrical minsan ang aktingan. Para silang nasa entablado. Parang may cue bago magsalita ang bawat isa. Minsan, mukhang reenactment ang dating ng mga eksena. Stable ang shots, pero ang hirap makatutok. Andaming kaagaw ng mga karakter sa eksena. Hindi sila nakaka-enganyong sundan. Hirap silang mag-focus sa mga bagay bagay. Madalas mawala ang direksyon. Hindi maka-focus s
Aug 9


TIRIK
Tirik / To Set Upright (Cinemalaya 2026) Directed by: May-i Guia Padilla Kapag nasa sasakyan sila, mukhang 3D printer ang mga tao. Ang hirap nilang seryosohin. Parang fantasy comedy ang pinapanood mo. Dahil alangan silang tingnan, sa mga usapan ka nalang aasa — ngunit pati rito ay pumapalya sila. Parang nagpapatawa sila kapag nagsasalita, pero hindi naman pala. Naghihintay ka ng punchline, pero walang dumarating. Kakarampot lang ang nakukuha mo sa pinagsasabi nila. Minsan
Aug 9


HAND OF GOD
Hand of God (Cinemalaya 2026) Written & Directed by: Mark Duane Angos Bola o baril ba ang iyong hahawakan? Hindi ito isang pangkaraniwan na tanong lalong lalo na kapag bata ang pinag-uusapan. Nasa panahon tayo ngayon kung saan ang karahasan ay tila nagiging normal na. Palabas man o realidad, makikita mo ito kahit saan. Sa kabila ng laganap na karahasan, nasa ating mga kamay pa rin ang pagpili kung ano ang nais nating bigyan ng kapangyarihan. Pinipili ng pelikulang ito na ma
Aug 8


TAYO LANG ANG NAKAKAALAM
Tayo Lang Ang Nakakaalam (Cinemalaya 2026) Directed by: David Corpuz Hindi madaling panoorin ang pelikulang ito. Dadaan ka sa matinding hirap at pagsubok. Masasagad ang pasensya mo. Gusto mong kaawaan ang mga karakter, ngunit minsan ay maiinis ka rin sa kanila. May mga desisyon sila na hindi ka sigurado kung ikatutuwa mo ba. Nais mo silang sumbatan at sigawan. Buong magdamag, nangingibabaw ang kalungkutan. Mahusay ang mga aktor. Unti-unti kang nalulunod sa kanilang pinagdar
Aug 8


ENJOY YOUR STAY
Enjoy Your Stay (Cinemalaya 2026 Opening Film) Directed by: Dominik Locher Hindi mo kailanman iisipin na mga aktres itong pinapanood mo. Lahat sila ay ang mga totoong tao. Hindi mo na iintidihin kung paano ba sila umarte. Kaya sobrang nakatutok ka lang sa istorya. Sunod sunod ang mga kaganapan. Walang pasikot sikot. May tensyon at kaba sa bawat interaksyon. Pati kamera, hindi mapirmi. Panoy alog at parang kinakabahan din. Walang filter. Derechahan kung derechahan. Masikip s
Aug 7
bottom of page
